Para Senador

Hmmm… siyempre naaamoy nyo na rin siguro. Panahon na naman ng halalan. Habang papalapit ang 2010, padiri ng padiri ang tingin (at dinig) ko sa ating mga politiko. Meron pang nagmura para magpakilala ng sarili sa mundo. Matagal na po naming halata, sir. Di nyo na po kailangang magmura.

Yung isa naman, isa sa pinakamaagang nagparamdam. Nung isang taon pa binabandera ang pag-ako nya sa pamasahe pauwi ng mga OFW’s na na-stranded sa ibang bansa. Sa tingin ko naman, aba dapat lang, kayong mga politiko ang isa sa mga dahilan bakit kailangang makipagsapalaran ang ating mga kababayan sa ibang bansa. Tsaka, kayo po sir ang may pera — kapwa sarili nyo at yung pork barrel nyo (naisip ko tuloy, may pagkakaiba ba?). Kaya kayo na po ang aasahan namin sa mga bagay na yan. Sige po, tutulong kami – taga-palakpak.

‘Tong isa. Ngayung-ngayon lang nanggagalaiti sa galit dahil bakit hindi raw lumalabas ang pangalan sa mga surveys bilang nangungunang  kandidato. Aba, mukhang sa survey pa lang ay nagkakadadayaan na. Kayo naman, sir, hindi pa kayo nasanay.

Halos kasabay nyang nag-reklamo ‘tong isa – bakit hindi raw sya naisama sa mga napipintong kandidato ng administrasyon ayon sa inanunsyo kamakailan ng isang kasamahan sa partido. Ayan galit-galit na uli sila. Asahan nyo katakot-takot na reverse polarity ang mangyayari sa eksenang pulitikal habang papalapit tayo sa aktwal na simula ng halalan.

Sa pagka-pangulo pa lamang ang pinag-uusapan natin sa lagay na yan. Wala pa yung sa pagka-senador. Eh kung pagbabatayan natin ang pagbibida kamakailan ng pinuno ng Public Attorney’s Office, imagine-in nyo na gaano kadugo ang magiging larawan ng pulitika natin sa mga susunod na araw at buwan resulta ng pag-aagawan sa simpatiya ng mga taga-basbas sa itaas.

Ows, hindi nyo naaamoy si Acosta?

Published in: on March 16, 2009 at 12:50 am Leave a Comment
Tags: ,

Nahalata mo ba?



a different perspective
Originally uploaded by Ariel Marco

Nahalata mo ba agad ang kaibahan ng larawang ito mula sa libong litrato ng sunset na nakita mo na sa buong buhay mo? Kung hindi, ay inis ako sa yo.

Tatlo na kayo ng ex-GF kong si Frau at ng kaibigan kong si Gaynor ang kinaiinisan ko. Dahil nabalewala ang lahat ng pinagpaguran kong pag-areglo sa litratong ito para maging kaiba siya; at mukhang hindi ako naging matagumpay sa inyong tatlo.

Si Fredo na isang kaibigan ko rin, buti pa siya, nahalata niya agad. Aba, dapat lang. Si Fredo na isang stage manager at direktor sa teatro, pag hindi pa niya nakuha ay ewan ko na lang.

O, sige na, huwag mo nang pigain pa ang bao mo. Click mo yung larawan; at pag naka-enlarged na siya (kung hindi pa, gumawa ka ng paraan para ito ay ma-enlarged), baliktarin mo ang monitor ng computer mo. Kung naka-laptop ka, e di baliktarin mo ang buong laptop mo.

Kita mo na? :)

Kuha ko yan gamit ang aking pinakamamahal (dahil hindi siya mura) na point and shoot camera habang ako ay lulan ng Superferry mula Iloilo patungong Manila noong nakaraang Disyembre. Sa wari ko nasa bahagi ng dagat sa gawing kanluran ng isla ng Panay kami nito.

Ewan ko kung nagagandahan ka sa kuha na ito (baliktad man o hindi). Ako kasi, mababaw lang ang kaligayahan.

Published in: on February 10, 2009 at 10:31 pm Leave a Comment
Tags: ,

Pamagat

O, ayan may pamagat na ang blog na ito. Tatawagin ko itong Dayo. Maraming kahulugan ang salitang “dayo”; pwedeng bisita, dalaw, stranger, foreigner, langyaw. In general, nagpapatungkol sa isang tao o bagay na “coming from the outside”. Ang mga mababasa nyo sa blog na ito ay mga salita (at larawan) na nabuo mula sa “pagtingin sa mga bagay-bagay mula sa labas”. Yan ang konek ng blog na ito sa kanyang pamagat. O di ba, hebi! :)

Pero seriously, di ba dapat ganun tayong lahat? Para tayo ay higit na maging objective sa ating mga paglalarawan o paghuhusga sa mga bagay-bagay, ilayo natin ang ating mga sarili at tingnan ang mga ito mula sa labas. Well, siguro hindi sa lahat ng pagkakataon, ewan ko. Sya, wag na nating pag-aksayahan ng panahong pag-usapan. Basta “Dayo” na ang pamagat ng blog na ito, tapos. Kung meron man itong kaparehong pamagat ng ibang blog, hindi ko po sinasadya at tinamad na akong mag-search. Hindi naman siguro kalakihang problema yan. Kung sa tingin nyo malaki, e di baguhin nyo ang blog title nyo. :)

Sya, at isusunod ko na ang maituturing na first post ko dito sa “Dayo”.

Maraming salamat.

P.S.

…hmmm, teka, di ba kung tutuusin, strictly speaking, tayong lahat naman talaga ay mga “dayo”?

Published in: on February 9, 2009 at 11:10 am Leave a Comment
Tags: ,